Genaro Gojo Cruz, “Ang asul na kariton” book launch

Genaro Gojo Cruz (author)An audience with the writer himself, Mr. Genaro Gojo Cruz

Daigdig Pinoy (DP): The language of the book is in tagalong, why?

Genaro Gojo Cruz: Kasi nag sulat ako para sa mga batang Filipino, at bilang manunulat na Filipino. Pinoy ang target ko na magbabasa ng libro ko, batang Pilipino, wala ng iba. So para maintindihan ka ng bata, gamitin mo ang lingwahe na nakagisnan nila.

DP: Hindi ba malalim ang tagalong na ginamit mo sa libro?

Cruz: Kwento ko ay hindi ganun kalalim ng tagalog, wikang pambata, where any Filipino kid can understand.

DP: Meron ba yang influence sa profession or education mo sa iyong pagsusulat?

Cruz: Bago ako napunta sa Philippine Normal university and DLSU to work as a professor, nag turo ako sa mga street children sa binondo for six months.  Na involve ako sa NGO na “Child Hope Asia Philippines” around 2003. Sa panahon ng aking pagtuturo, pumasok sa akin ang maraming idea na later on masusulat ko bilang aklat pambata. Hindi ito talaga sa akin, kundi ginamit lang ako bilang instrumento para ikwento ang kwento ng batang lansangan. Ito ay karanasan ko sa pagtuturo ko sa kanila, at kwento ito ng mga batang lansangan particular sa binondo.

Nagturo ako sa street kids, sabi ko maganda ito para mailagay sa resume. Pero matapos kong magturo, higit padun ang nakuha ko kasi na appreciate ko ung mga bagay na hindi ko maappreciate dati ang maliliit na bagay. Kasi ang mga batang ito, walang wala, maswerte pa pala ako, kasi kahit na maliit na bagay na meron ako eh wala sila. Parang ako ang tinuruan.

DP: Can you see this book going global and translating it to other languages?

Cruz: Ito ang pagkakataon ng ating mga kababayan to introduce our language and Filipino culture (wikang Pilipino at kulturang Pilipino) to their children. If they will read this, in a way parang babalik sila sa buhay nila dito sa bansa. Isa sa pinaka best na magandang paraan sa pagbalik sa ating bansa ay sa pamamagitan ng ating wika.

Ang asul na kariton by Genaro Gojo CruzDP: Anong difference ng teaching the street children sa college?

Cruz: Mas sensitive ang batang lansangan, sensitive sila sa taong mga tutulong sa kanila, kung tao ay tapat na tutulong sa kanila, alam nila kung buo o kalahati lang ang binibigay mo. Kaya nung nagturo ako binigay ko lahat. Dinala ko sila sa museo pambata, naglakad lang kami from binondo, hindi ko inalala ang mga permit from their  parents walang ganun. Buong puso ko sila niyakap. Huli, sumulat ako sa “wish ko lang” (a TV Show in a local network) na bigyan sila ng small graduation kahit na fake lang para lang ma feel nila na fulfilled sila at may feeling na tinapos sila. Na kung  mangangarap sila pang long term, meron silang makukuha. So na grant naman, free graduation.

Genaro Gojo Cruz was born and raised in San Jose, Del Monte Bulacan, took Education in the Philippine Normal University and started writing during his college years. He was able to write about 10 stories about street children. His first book is entitled ‘Malaking malaking bahay’, that talks about a child that has a very big house, but his house is the streets. The second book is ‘May gulong na bahay’, a story of a father and son who lives in a kariton and their kariton was confiscated by barangay officials because of illegal parking. ‘Ang asul na Kariton’ is his third book, so we will expect more from him in the coming years.

The book is available in the local bookstores, but organizations buy this by the bulk and distribute it among public schools for free.  

Last Updated (Monday, 09 May 2011 07:14)

 

Add comment


Security code
Refresh

Share this Page

Delicious
Follow us on...
  • Facebook Page: 101704056701
  • Twitter: DaigdigPinoy
  • YouTube: yohanny1975
Newsletter
Archives
Powered by mod LCA
Our Partners